INATASAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang lahat ng departamento at mga ahensya na nasa ilalim ng Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa La Niña Phenomenon.
Tinukoy ni Teodoro, Chairman ng Presidential Task Force on El Niño Response ang bulletin ng PAGASA na made-develop ang La Niña sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Binigyang diin ng kalihim ang report ng PAGASA na humihina na ang El Niño, bagaman magpapatuloy pa rin ang pag-iral ng mainit at maalinsangang panahon. Idinagdag ni Teodoro na dapat nang simulan ang paghahanda sa pagdating ng La Niña na inaasahang magdadala ng sobra-sobrang pag-ulan sa bansa, upang mabawasan ang pinsalang maaring idulot nito sa mga buhay at ari-arian.
