MAGBIBIGAY ang pamahalaan ng Fuel Subsidies sa harap ng inaasahang pagsipa ng presyo ng oil products bunsod ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan na ang pagsirit ng presyo ng petrolyo dahil tiyak na haharangan ang Strait of Hormuz kapag lumala ang kaguluhan.
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Aniya, hindi mailalabas ang mga langis mula sa sources kaya tiyak na apektado ang presyo.
Tiniyak ng pangulo na mabibigyan ng subsidiya ang mga pumapasada at naghahanap-buhay, kabilang na ang iba pa na labis na maaapektuhan.
Sa ilalim ng umiiral na polisiya, otomatik na ipinamamahagi ang Fuel Subsidies sa mga transport drivers at magsasaka kapag pumalo ang presyo ng Dubai Crude sa 80 Dollars Per Barrel.
