TATLONG hinihinalang rebelde ang napaslang sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa Carigara, Leyte.
Kinilala ng militar ang isa mga nasawi na si Juanito Sellesa Jr. alyas Tibor, umano’y executive member ng Island Committee Levox ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Ang dalawang iba pa ay kinilalang sina Eugene Pacita alyas Dimple na umano’y squad leader, at Lito Delante alyas Dodong, miyembro ng kaparehong squad ng naturang unit ng New People’s Army.
Nasawi ang tatlo matapos makasagupa ang mga awtoridad sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cogon, kahapon.
Narekober din ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle na dalawang mahahabang magazines, isang caliber .45 pistol na dalawang magazines, isang hand grenade, personal na kagamitan, at mga subersibong dokumento.
