BUMISITA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na San Francisco High School (SFHS) sa Bago Bantay, Quezon City na tinupok ng apoy kamakailan.
Inatasan ng pangulo si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na agad gumawa ng mga hakbang para maiayos ang pasilidad na naapektuhan ng sunog.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Inatasan din ng pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad simulan ang pagpapatayo ng mas ligtas, mas malaki at mas maayos na gusali ng San Francisco High School.
Pinatitiyak din ng pangulo ang pagsuri at pag-upgrade ng electrical systems sa lahat ng paaralan sa bansa para maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Ayon sa DepEd, nagbigay na din ng tulong ang Quezon City Government sa pamamagitan ng Sanitation and Engineering Offices nito at nagpadala ng mga suplay at personnel para makatulong sa recovery ng paaralan.
May tumulong din na pribadong sektor kabilang ang SC Johnson na nagkaloob ng 140 armchairs.
Habang ang San Francisco High School Alumni Association at ang Barangay Sto. Cristo ay nagkaloob ng kontribusyon para sa pintura, toilet fixtures at manpower.
Nangyari ang sunog sa nasabing paaralan noong June 15 kung saan 10 silid-aralan ang napinsala.
