Magkakaroon ng Official Visit sa Pilipinas ang Foreign Minister ng Lao People’s Democratic Republic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs ang pagbisita sa bansa ng opisyal sa August 12 hanggang 14 ay kasunod ng imbitasyon ni Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro.
Taripa sa imported na bigas, hindi itataas, ayon kay Finance Sec. Recto
Mga crew ng BRP Suluan, pinarangalan ng Coast Guard kasunod ng pangha-harass ng China sa Bajo De Masinloc
VP sara, inaasahan nang tatapyasan ng Kamara ang 2026 Budget ng OVP
Pangulong Marcos, tiwala pa rin sa pamumuno ni Sec. Bonoan sa DPWH – Palasyo
Pangungunahan ng Lao Foreign Minister at ni Lazaro ang pagdaraos ng 3rd Meeting of the Philippines-Lao PDR Joint Commission for Bilateral Cooperation.
Noong Enero ng kasalukuyang taon ay ginugunita ang ika-70 taon ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa DFA, mayroong tinatayang 5,000 Pinoy sa Lao PDR na pawang nagtatrabaho sa larangan ng edukasyon, hotel services, engineering, at infrastructure development.