BUMAGSAK ng 64.4% ang Foreign Investment Pledges sa ikalawang quarter ng taon sa gitna ng pag-iingat ng mga Investor bunsod ng tumaas na Global Uncertainty dulot ng US Tariff Policies.
Sa Preliminary Data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot lamang sa 67.38 billion pesos ang halaga ng Foreign Commitments na inaprubahan ng Investment Promotion Agencies (IPAS) noong Abril hanggang Hunyo.
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Pilipinas, nag-loan ng 400 million dollars sa ADB para sa ‘Walang Gutom’ Program
Pilipinas, hihirit ng Exemption mula sa US Tariff sa Semiconductors
Mas mababa ito kumpara sa revised 189.5 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Gayunman, pinakamataas pa rin ito mula nang maitala ang 143.74 billion pesos noong ikatlong quarter ng nakaraang taon, at mahigit doble sa revised 27.99 billion pesos sa unang tatlong buwan ng 2025.
Sa second quarter, Singapore ang mayroong pinakamalaking Investment Pledges na nasa 53.48 billion pesos; sumunod ang US, 3.96 billion, at The Netherlands, 1.91 billion pesos.