NAKAALERTO ang mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bansa para sa paggunita ng Undas.
Inatasan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga Regional Directors na tiyaking handa ang mga Field Office sa anumang tulong na kakailanganin ng mga uuwi sa lalawigan.
ALSO READ:
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Ayon kay DSWD Asst. Sec. Irene Dumlao, mayroong sapat na bilang ng Ready-To-Eat-Food, Family Food Packs at Non-Food Items ang ahensya. May mga RTEF na naka-preposition sa mga pantalan sakaling mayroong ma-stranded na mga pasahero.
