21 December 2025
Calbayog City
National

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

goitia

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay.
Puno ng theatrics, emosyon, at akusasyong tila idinisenyong magpahiwatig ng katiwalian sa pinakamataas na antas ng pamahalaan.

Ngunit paalala ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia: ang drama ay hindi ebidensya.
Ang isang paratang na ganito kabigat ay hindi napapatunayan sa pamamagitan lamang ng mga video na ginawa malayo sa bansa. Kailangang may kasamang dokumento at beripikadong katotohanan para ito maging kapanipaniwala.

Sa Ganitong Kabigat na Bintang, Matibay na Ebidensya ang Kailangan

Ang pinaka-matapang na pahayag ni Co ay ang umano’y personal niyang pagdadala ng maleta ng pera sa Malacañang at kay Speaker Martin Romualdez.

Para kay Goitia, nawawala agad ang kredibilidad nito sa sandaling siyasatin.

“Napakabigat ng paratang na personal kang naghatid ng pera sa Pangulo at sa Speaker,” ani Goitia.
“Hindi puwedeng tanggapin iyan base sa salita lang. Dapat may dokumento, rekord, o anumang ebidensya. Kung wala, kwento lang ito.”

Wala ni isang ebidensya ang kasama sa pahayag ni Co — walang visitor log, walang CCTV timestamp, may petsa pero nakakapagduda.

Naglabas din si Co ng mga larawan ng mga nakahilera umanong maleta na sinasabi niyang naglalaman ng pera.
Ngunit ayon kay Goitia, hindi sapat ang larawan ng mga maleta para patunayan ang anumang anomalya.
Walang patunay kung saan ito kuha, kailan kinuha, sino ang nagdala, o ano ang tunay na laman, at kung dinala nga ito mismo sa Pangulo, sa Malacañang.

“Kung totoong may naganap na paghahatid ng pera, dapat may malinaw na bakas,” dagdag niya. “Pero wala siyang ipinakita — walang log, walang petsa, walang dokumento.”

At sa pananaw niya, ang mismong kawalan ng pruweba ay mas nakakabahala kaysa sa mga akusasyong ibinabato.

Mga Pahayag na Magkakasalungat

Nagkakaiba rin ang mga pahayag ni Co.

Sabi niya, nagdala siya ng pera.
Sabi rin niya, wala siyang tinanggap na pera.
Sabi niya, napilitan lang siya.
Sabi rin niya, inilalantad niya ang katotohanan.

“Hindi puwedeng parehong totoo ang dalawang magkasalungat na pahayag,” sabi ni Goitia.
“Kung ang isang kwento ay salungat sa sarili nito, hindi ito maaaring paniwalaan — malinaw na may butas at kahinaan ang naratibo.”

Ang mga kontradiksyon na ito ang lalong nagpapahina sa mga paratang.

Ipakita ang Ebidensya sa Tamang Forum

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).