Hinikayat ng Department of Labor and Employment ang mga taga-Metro Manila at mga taga-Camarines Norte na samantalahin ang nakatakdang job fair sa kanilang lugar.
Ayon sa DOLE, ngayong araw ng Sabado, September 6 mayroong idaraos na job fair sa SK Deparo, Brgy. 168 North Caloocan.
May job fair din sa J&F Mall sa Brgy. Dalas sa Labo, Camarines Norte.
Regular na idinaraos na job fair ng DOLE sa iba’t ibang panig ng bansa para mailapit ito sa mga naghahanap ng trabaho.