INIUTOS ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang suspensyon sa district engineer ng Baguio City.
Ayon kay Dizon, ito ay makaraang tumanggi si District Engineer Rene Zarate na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Natuklasan din ng kalihim na posibleng sinira o binago ng nasabing opisyal ang mga pampublikong dokumento tungkol sa mga DPWH Project na hawak ng Baguio City District Engineering Office.
Maliban sa suspensyon, tiniyak din ni Dizon na sasampahan ng kaso si Zarate.
Muli namang pinaalalahanan ni Dizon ang lahat ng opisyal at empleyado ng DPWH sa Central, Regional at Districts Offices na isumite sa ICI ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa Ongoing Investigation kaugnay sa mga Flood Control at iba pang Infrastructure Projects.
