TUMAAS ang Debt Service Bill ng National Government noong Agosto dahil sa pag-akyat ng Amortization at Interest Payments.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, mahigit triple ang inilobo ng Debt Service Bill noong ika-walong buwan.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Pagbabayad ng buwis, pinalawig ng BIR kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol
Naitala ito sa 664.72 billion pesos o 256.96 percent na mas mataas mula sa 186.22 billion pesos noong August 2024.
Mas mataas din ito ng 515.17 percent mula sa 108.06 billion pesos noong Hulyo.
Ang Debt Service ay tumutukoy sa ibinayad ng gobyerno sa Domestic at Foreign Borrowings.