BINIGYAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Executive Clemency si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ginawaran ng clemency ang dating alkalde.
ALSO READ:
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Proposed 6.793-Trillion Peso 2026 National Budget, aprubado na sa ika-3 at pinal na pagbasa ng Kamara
Setyembre ng nakaraang taon nang magpiyansa si Mabilog sa kasong katiwalian na isinampa ng Ombudsman.
Napabilang din si Mabilog sa narcolist ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang emosyonal na humarap ang dating Iloilo City Mayor sa Quad Committee Hearing ng Kamara hinggil sa imbestigasyon sa extrajudicial killings sa war on drugs ng Duterte Administration.