HINDI pa sinasagot ni Dating Ako-Bicol Party-List Rep. Zaldy Co ang mga paratang na nag-uugnay umano sa kanya sa maanomalyang 289.5 million pesos na Flood Control Project sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, tumutukoy ito sa Referral ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na sampahan ng Graft, Malversation, at Falsification Charges si Co at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bunsod kanilang pagkakaugnay sa Road Dike Project sa kahabaan ng mag-asawang Tubig River sa bayan ng Naujan.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Sinabi ni Clavano na naibigay na ang Order para maghain ng Counter Affidavit si Co subalit hindi ito tinanggap ng recipient.
Gayunman, itinuturing pa rin aniya na natanggap na ang Order, at kung lumagpas sa panahon at hindi naisumite ang Counter-Affidavit, mawe-waive ang karapatan ng akusado na maghain ng kontra salaysay. Idinagdag ni Clavano na kahit nasa ibang bansa ang dating mambabatas ay maari pa rin naman itong mag-file ng kanyang Sworn Counter-Affidavit sa alinmang Embahada ng Pilipinas.
