SINAMPAHAN ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong korapsyon at Malversation of Public Funds sina Dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4B, at mga director ng Sunwest Corporation.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang 289 million pesos na Flood Control Projects sa Oriental Mindoro.
3 sa 7 sasakyan ng mga Discaya, naisubasta na
Pang. Marcos, nagbiro tungkol sa cabinet shake-up
Ombudsman, magsasampa ng kaso laban kay Dating Speaker Romualdez kaugnay ng flood control sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan
Dating Bamban Mayor Alice Guo, sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong bunsod ng Qualified Trafficking
Ang reklamo na tinanggap ng Sandiganbayan Judicial and Records Division, bago mag-alas dos ng hapon, kahapon, ay ang unang isinampang criminal complaints laban sa mga sangkot sa flood control scandal.
Inihayag ng government prosecutors na ang 289-Million Peso Non-Existent Flood Control Project na itinayo ng Sunwest Corporation na kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Co, ay substandard. Ang 289 million pesos na Flood Control Project ay isang road dike sa kahabaan ng mag-asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro, at pinondohan sa ilalim ng 2024 National Budget ng DPWH.
