WALANG inaasahang pagtaas sa presyo ng bigas ang Department of Agriculture (DA), sa kabila ng pinsala sa agrikultura ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong, pati na rin ng Habagat.
Sinabi ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel De Mesa, na hindi naman ganoon karami ang nasira sa bigas at maraming stock ang bansa, sa ngayon.
Aniya, karamihan ay Partially Damaged at nasa Early Vegetative Stage pa lamang, na ang ibig sabihin ay madaling makarerekober ang mga tinamaan sa sektor ng palayan.
Sa ulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, lumobo na sa 1.12 billion pesos ang halaga ng pinsala sa bigas, mais, cassava, High-Value Crops, Fisheries, Livestock at Poultry, at Agricultural Infrastructure, kasama ang Volume of Production Loss na nasa 26,566 metric tons.