20 August 2025
Calbayog City
Business

DA, inirekomendang panatilihin ang 15% na taripa sa imported na bigas

INIREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) na panatilihin ang 15% na taripa sa imported na bigas upang mapagaan ang epekto sa inflation sa local prices.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na layunin nila na maibsan ang epekto ng inflation sa Agricultural Industry.

Aniya, napakahalaga nito sa ekonomiya ng buong bansa, at dapat matiyak na ang mga programa para mapababa ang presyo ng mga bilihin ay magpapatuloy, hindi lamang sa bigas, kundi sa iba pang agricultural commodities.

Idinagdag ni De Mesa na mayorya ng kada isandaang piso na mayroon ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino ay ipinambibili nila ng bigas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).