NASA bingit ng Public Health Disaster ang bansang Sudan dahil sa paglaganap ng cholera at iba pang nakamamatay na sakit, ayon sa International Rescue Committee (IRC).
Sa loob lamang ng isang linggo ay nakapagtala ang Health Ministry ng Sudan ng isandaan pitumpu’t dalawang katao na nasawi bunsod ng Cholera Outbreak, na ang karamihan ng mga bagong kaso ay sa Khartoum State.
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Ayon sa local doctors, nagdulot ng Power Outages sa Water Purification Stations ang drone attacks, dahilan para mapilitan ang mga tao na gumamit ng maruming tubig.
Inihayag ni IRC Country Director for Sudan, Eatizaz Yousif, na pinalala ng Civil War na nasa ikatlong taon na, ang muling paglaganap ng cholera.
