ITINANGGI ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga alegasyon ni Dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co na political interference sa Food Price Inqueries.
Tinawag ito ni Tiu Laurel na “fabricated lies” kasabay ng pagbibigay diin na si Co mismo ang nagsulong ng mga proposal na lubhang puminsla sa industriya ng bigas sa bansa.
E-Bike at E-Trikes, bilang na ang mga araw
2 pang contractor na may kaugnayan sa flood control scam, kinasuhan ng Tax Evasion
AMLC, iniimbestigahan ang Assets sa ibang bansa ng mga kasalukuyan at dating opisyal na sangkot sa flood control scandal
Goitia sa mga Bagong Paratang ni Co: Puro Ingay, Walang Ebidensya
Sa press conference sa Quezon City, pinabulaanan ng kalihim ang ibinunyag ni Co na nakialam si First Lady Liza Araneta-Marcos at kapatid nito na si Martin Araneta, sa imbestigasyon sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at bigas.
Sinabi ni Tiu Laurel na kailanman ay hindi nanghimasok ang unang ginang sa usapin sa DA, kasabay ng pagtawag kay co na “napakasinungaling talaga.”
Hindi rin aniya totoo na sangkot si Araneta sa importasyon o smuggling ng sibuyas.
