BINIGYANG pugay ng Department of Education (DepEd) ang animnapung partners sa Eastern Visayas para bigyang inspirasyon ang stakeholders na ipagpatuloy ang kanilang commitment sa edukasyon.
Sa pagtitipon sa Madison Park Hotel sa Tacloban City, sinabi ni DepEd Region 8 director Ronelo Al Firmo na nagbigay ang stakeholders sa iba’t ibang sektor ng mahahalagang suporta sa pamamagitan ng resources, technical assistance, at advocacy upang isulong ang Basic Education para sa lahat.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Inihayag ni Firmo na ang edukasyon ay hindi lamang trabaho ng DepEd, dahil kasama nila ang komunidad.
Kinilala sa naturang event ang pitong Private Lending Institution, labintatlong journalists, labintatlong Non-Government Organizations, isang private company, at apat na International Organizations.
Gayundin ang siyam na National Government Agencies, isang pribadong indibidwal na nagpagawa ng school building, pitong city at municipal mayors, at limang provincial governors.
