NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng pitong nasugatan dahil sa paputok ngayong holiday season.
Sa pinakahuling tally ng ahensya, tatlong bagong kaso ang nai-record simula Dec. 21 hanggang 4 A.M. kahapon, na karagdagan sa naunang naitalang apat.
ALSO READ:
Sinabi ng DOH na mas mababa ito ng 75% kumpara sa 28 cases na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabila naman nito, binigyang diin ng kagawaran na apat mula sa pitong biktima ay labinsiyam na taong gulang pababa.
Karamihan din sa mga biktima ay nasugatan dahil sa boga at 5-star.




