INAASAHAN ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa magpapasailalim sa Lifestyle Check.
Ayon sa senadora, suportado niya ang utos na Lifestyle Check ng pangulo sa lahat ng opisyal ng gobyerno bilang bahagi ng imbestigasyon sa isyu ng korapsyon sa mga Flood Control Projects sa bansa.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Sinabi ni Hontiveros na malaking bagay para sa pagkakaroon ng Transparency ang pagsasagawa ng Lifestyle Check, gayunman, matapos itong isagawa, ang mga mapatutunayang Guilty ay maaaring maaresto, makasuhan at maparusahan.
Dagdag pa ng senadora handa din siyang sumailalim sa Lifestyle Check gayundin ang lahat ng kasama niya sa Minorya sa Senado.
Pero mas magiging makabuluhan aniya ang utos na Lifestyle Check kung mismong si Pangulong Marcos ang maglalantad ng kaniyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth.