HINILING ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kay Speaker at Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III na maka-biyahe simula Dec. 16 hanggang Feb. 20, 2026.
Para ito sa dalawang buwan na biyahe sa labimpitong bansa.
Sa liham nito sa speaker, sinabi ni Duterte na saklaw ng kanyang request ang pagtungo sa Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, US, Australia, United Kingdom, The Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.
Tiniyak ni Duterte na ang gastos sa kanyang biyahe ay mula sa kanyang personal funds. Humingi rin ng permiso ang kongresista na makalahok sa plenary sessions, virtually, habang nasa abroad.




