HALOS isangdaang porsyento nang handa ang Commission on Elections para sa idaraos na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections sa Oct. 13, 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, 90 percent hanggang 95 percent nang handa ang COMELEC.
Tiniyak din ng COMELEC Chairman na tuloy na tuloy ang BARMM Parliamentary Elections sa kabila ng duda ng ilan na hindi rin ito matutuloy matapos na maipagpaliban ang Barangay at SK Elections.
Ayon kay Garcia tinatayang 2.3 million ang boboto sa BARMM Elections.