BUMUO na ng Fact-Finding Team ang Department of Public Works and Highways – MIMAROPA para maimbestigahan ang lahat ng Flood Control Projects sa rehiyon.
Kasunod ito ng pag-inspeksyon ni DPWH MIMAROPA Regional Director Gerald Pacanan sa mga gumuhong Flood Control Projects sa Oriental Mindoro.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Bago ito, nagpahayag ng pagkadismaya si Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor dahil Substandard aniya ang gumuhong proyekto.
Nagpaliwanag din si Pacanan sa kinukwestyon ni Dolor na iisang bakal lamang ang inilagay sa gumuhong Dike sa Brgy. Tagumpay Bayan ng Naujan.
Sinabi ni Pacanan na ang likod ng naturang Flood Control ay Stone Masonry at ang ganitong proyekto ay hindi talaga nilalagyan ng bakal.
Labis na ikinadismaya ni Dolor ang kinahinatnan ng proyekto na ayon sa ulat ay nagkakahalaga ng 200 million pesos at itinayo noon lamang 2024.
