31 March 2025
Calbayog City
Business

Coin Deposit Machines, nakakolekta na ng 1.37 billion pesos

UMABOT na sa 1.372 billion pesos na halaga ng barya ang nai-deposito sa pamamagitan ng Coin Deposit Machines (CODM) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa social media post, inihayag ng Central Bank na ang naturang halaga ay katumbas ng 339.84 million na piraso ng mga barya mula sa 311,858 transactions.

Sa pamamagitan ng CODM Project na inilunsad noong June 2023, pinapayagan ang mga customer na i-deposito ang kanilang mga barya para isalin sa kanilang GCash o Maya Electronic Wallet Accounts, o i-convert sa shopping vouchers.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).