IBINIDA ng mga lider ng China at India na mayroon na silang malalim na tiwala sa isa’t isa makalipas ang ilang taong tensyon, kabilang na ang matagal nang border dispute.
Sina Chinese President Xi Jinping at Indian Prime Minister Narendra Modi ay nagpulong sa sidelines ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Port City ng Tianjin.
Ito ang unang pagbisita ni Modi sa kanya sa nakalipas na pitong taon.
Sinabi ni Xi kay Modi na dapat ay maging magkakampi ang China at India, at hindi maging magkalaban.
Inihayag naman ng Indian Prime Minister na mayroon nang “Atmosphere of Peace and Stability” sa pagitan ng dalawang bansa. Present din si Russian President Vladimir Putin sa Summit na dinaluhan ng mahigit dalawampung World Leaders, subalit ngayong taon ay natatabunan ng Trade Wars sa Amerika.