LUMIIT ang Budget Deficit ng National Government noong Hulyo.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumagsak sa 34.42 percent o sa 18.9 billion pesos ang Budget Gap noong Hulyo mula sa 28.8 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.
ALSO READ:
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Halaga ng piso kontra dolyar bumagsak ulit sa bagong Record Low
Mas mababa rin ito ng 92.17 percent mula sa 241.6-Billion Peso Deficit noong Hunyo.
Ayon sa Treasury, ang pagbagsak ng Budget Deficit ay sa gitna ng matamlay na Revenue Collection at spending ng pamahalaan.
Noong Hulyo ay tumaas lamang ng 3.26 percent o sa 472.3 billion pesos ang Revenues habang bahagyang lamang umakyat sa 1.02% o sa 491.2 billion pesos ang Government Spending.
