8 July 2024
Calbayog City
Local Weather

Catarman, N. Samar, nakapagtala ng pinakamataas na heat index sa bansa sa pasko ng pagkabuhay

catarman

Naitala ang pinakamataas na heat index na 45 degrees celsius sa Catarman, Northern Samar, kahapon, Easter Sunday.

Ayon sa Pagasa, bukod sa Catarman, apat pang lugar sa bansa ang umabot sa “danger” level ang heat index.

Kinabibilangan ito ng Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur at Aparri, Cagayan na kapwa nakapagtala ng heat index na 44 degrees celsius; Zamboanga City, 43 degrees celsius; at Daet, Camarines Norte, 42 degrees celsius.

Ayon sa Pagasa, ang heat index na 42 hanggang 51 degrees celsius ay nasa ilalim ng “danger” category at maaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, habang posible ang heat stroke kung patuloy na magbibilad sa araw.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *