APATNAPU’T APAT na grupo mula sa Agrarian Reform Communities sa Eastern Visayas ang lumahok sa apat na araw na Trade Fair kung saan tampok ang kani-kanilang produkto.
Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na kumita ng 2.5 million pesos sa Robinsons Place Tacloban sa fair na may temang “Hanap-Yaman sa Kanayunan” na binuksan noong Biyernes at magtatapos ngayong Lunes.
Ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng 36th Anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sinabi ni DTI 8 (Eastern Visayas) Director Celerina Bato na ang Trade Fair ay alay sa masisipag na mga magsasaka na nagsisilbing Backbone ng agriculture sector.
Hinikayat din ni Bato ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produkto ng Agrarian Reform Beneficiaries na tinulungan ng pamahalaan pagdating sa product development sa mga nakalipas na taon.
Kabilang sa mga produkto na mabibili sa Trade Fair ay Butter Cookies, Toasted Brad, Bukayo, Banana Chips, Sweet Potato Chips, Coconut Vinegar, Coco Peat, Mats, Bags, Coco Shell-Based Products, Noodles, Tables, Dried Fish, at Handicrafts.