HINARANG ng China Coast Guard Vessel ang dalawang Philippine Coast Guard vessels malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sa post sa X ni dating US Air Force Official at dating Defense Attache Ray Powell, hinarang ng CCG 5203 ang BRP Cabra at BRP Cape Engano habang dumadaan, 14 nautical miles sa silangan ng Ayungin Shoal.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Samantala, anim na Chinese Maritime Militia vessels naman ang malapit na bumubuntot sa PCG vessels.
Sinabi ni Powell na kapwa naunang nag-transmit ang PCG patrol vessels ng kanilang Automatic Identification Signals, 18 nautical miles sa katimugan ng Ayungin Shoal.
Aniya, dahil dito, nag-dispatch ang China ng pito pang militia vessels para dagdagan ang kanilang harang laban sa dalawang barko ng Pilipinas.
