ISA nang Naval Combat Engineering Officer ng Philippine Navy ang aktor na si Dingdong Dantes matapos tumanggap ng certificate na natapos nito ang basic course.
Ipinagkaloob ni Commodore Rolando Sarmiento ang certificate kay Dingdong sa isang seremonya na ginanap sa Brigade Training and Doctrine Center, Naval Combat Engineering Brigade Naval Station Jose Francisco, sa Fort Bonifacio sa Taguig.
Present din ang aktres na si Marian Rivera sa seremonya para mag-pin ng “Rifle Expert Badge” at “Kapanalig Medal” sa kanyang mister.
Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati sa bagong accomplishment ni Dingdong ang mga kapwa celebrity na sina Julie Ann San Jose, Jason Abalos, Geneva Cruz, Joross Gamboa, Noel Ferrer, at Rocco Nacino.