Inaasahang makahihikayat ng mas maraming investments ang pagpapatupad ng green lane sa Northern Samar, dahil mapabibilis nito ang proseso ng business application.
Ayon kay Northern Samar Provincial Economic Development and Investment Promotions Office Head Jhon Allen Berbon, ang inisyatiba na tinawag na “Northern Samar One-Stop-Action Center for Strategic Investment,” ay bagong proseso na naglalayong maalis ang mga nagpapabagal sa proseso ng mga aplikasyon upang mas maging madali ang paglulunsad ng investments sa lalawigan.
Kamakailan lamang ay nakahikayat ang probinsya ng malalaking investments, partikular sa renewable energy at digital infrastructure.
Ang green lanes para sa strategic investments ay itinatag sa pamamagitan ng Executive No. 18 ng Office of the President noong Pebrero ng nakaraang taon.