PASOK pa rin ang Gilas Pilipinas sa Semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament kahit kinapos sa koponan ng Georgia sa score na 96-94 sa kanilang sagupaan sa Latvia, kagabi.
Kailangan ng Gilas na manalo laban sa Georgia o matalo ng mas mababa sa 18 points para makapasok sa semifinals.
Bago ang match kagabi ay una nang pinadapa ng pambansang koponan sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa Olympic Qualifiers ang team ng Latvia sa score na 89-80.