TUMAAS ng 4 percent ang perang ipinadala ng mga Pilipino sa ibang bansa noong Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (bsp), umakyat sa 2.66 billion dollars ang Cash Remittances mula sa mga Pinoy abroad noong ika-apat na buwan mula sa 2.56 billion dollars noong April 2024.
Ito ang pinakamabilis na Annual Growth simula nang maitala ang 5.8 percent noong December 2022.
Gayunman, pinakamababa ang halaga ng Cash Remittances noong Abril sa loob ng halos isang taon o simula noong May 2024, nang maitala ang Remittances sa 2.58 billion dollars.