18 November 2025
Calbayog City
Business

Cash Remittances ng mga OFW noong Agosto tumaas ng 3.2 percent

UMABOT sa halos 3 billion US dollars ang kabuuang naipadala sa Pilipinas ng mga Overseas Filipinos mula sa iba’t ibang panig ng mundo noong buwan ng Agosto. 

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Cash Remittances o Money Transfers ng mga OFW na ipinadaan sa pamamagitan ng bangko o iba pang Formal Channels noong Agosto ay umabot sa 2.885 billion dollars na mas mataas ng 32 percent kumpara sa 2.796 billion dollars noong August 2024. 

Ayon sa BSP parehong nagtala ng pagtaas sa Cash Remittances ng Land- at Sea-Based Workers.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).