ITINALAGA si Miami Heat Boss Erik Spoelstra bilang head coach ng United States Men’s National Team hanggang sa Los Angeles Olympics sa 2028, ayon sa USA Basketball.
Si Spoelstra na nanguna sa Back-to-Back NBA Championships ng Miami noong 2012 at 2013, ay dating assistant coach ng US Men’s Team na nanalo ng Gold sa Paris Games noong nakaraang taon.
Nagsilbi rin siyang assistant coach kay Steve Kerr noong 2023 FIBA Men’s World Cup, kung saan nagtapos ang USA sa ika-apat na pwesto.
Ang US Men’s Team ay nanalo ng Gold sa nakalipas na limang Summer Olympics, at may kabuuang 17 Gold Medals simula nang mapasama ang Sport sa Olympic Program noong 1936.




