SA kabila ng mabilis na pagbabago sa Media Landscape, pakikinig ikalawa sa pinakasikat na Media Activity sa mga Gen X at Millenials, kasunod ng panonood.
Ayon ito sa Generation Research na isinagawa ng PR Agency na Comm&Sense na isinagawa ngayong buwan.
ALSO READ:
Nakapaloob sa pag-aaral na may pamagat na “Common Ground: Pinoy Voices in Manila,” ang Survey na nilahukan ng apatnaraang Pilipino na edad 28 hanggang 58 sa buong bansa.
Lumitaw na nanguna ang FM Radio, na nakakuha ng 34 percent ng listeners, sumunod ang Digital Streaming Giant na Spotify na may 32%.
Nakakuha naman ang YouTube Music ng 27% habang ang AM Radio ay mayroong 22% ng listeners.




