IPINAGDIWANG ng Calbayog City ang 77th Charter Day, kasabay ng State of the City Address (SOCA) ni Mayor Raymund “Monmon” Uy.
Inilatag ni Mayor Mon ang mga Accomplishment ng lungsod, Ongoing Projects, Vision ng kanyang administrasyon patungo sa Inclusive, Progressive, at Sustainable Development.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Present sa naturang Event si Vice Mayor Rex Daguman, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at iba’t ibang Business Partners, Private Sector, at Stake Holders na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng alkalde si Samar Governor Sharee Ann Tan, Vice Gov. Arnold Tan, at Samar 1st District Cong. Jimboy Tan, gayundin ang PNP Calbayog, Special Action Force, LTO, at iba pang Local Leaders at Partners dahil sa kanilang walang patid na suporta.
Binuksan ang SOCA sa pamamagitan ng Video Presentation kung saan itinampok ang Service Caravans ng LGU sa malalayong barangay, gaya ng Pinamurutan, Higasaan, at Caluknayan, na kilala bilang Seven Hills o Happy Valley.
Ang naturang Caravans ay nagdala ng Medical, Social, at Senior Citizen Registration Services nang direkta sa mga residente.
