INANUNSYO ng Elite Military Unit sa Madagascar na naagaw nila ang kapangyarihan mula kay President Andry Rajoelina.
Kasunod ito ng ilang linggong kilos-protesta na pinangunahan ng mga kabataan sa Indian Ocean Island.
Sa labas ng Presidential Palace, sinabi ni CAPSAT Chief Col. Michael Randrianirina na bubuo ang militar ng pamahalaan at magdaraos ng halalan sa loob ng dalawang taon.
Idinagdag ng Military official na magiging bahagi rin ng pagbabago ang Gen Z protesters dahil nanggaling ang pagkilos sa mga lansangan, kaya’t dapat irespeto aniya ang kanilang Demands.
Hindi pa tukoy ang kinaroroonan ng tumakas na presidente ng Madagascar subalit sinabi nito na nasa ligtas siyang lugar kasunod ng umano’y pagtatangka sa kanyang buhay ng militar at mga politiko.




