MAHIGPIT ngayong binabantayan ang limang barangay sa Canlaon City, Negros Oriental, kasunod ng pagbuga ng abo ng Mt. Kanlaon.
Sinabi ni Seth Bariga ng Emergency Operations Center ng Canlaon City, na may mga naka-standby na truck, sakaling ilikas ang mga residente dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.
Ang mga binabantayang barangay ay kinabibilangan ng Masulog, Lumapaw, Pula, Malaiba, at Linothangan, na pawang nasa labas ng 4-Kilometer Permanent Danger Zone ng Mt. Kanlaon, subalit pasok sa 6-Kilometer Extended PDZ.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ang Kanlaon, kahapon ng Grayish Ash Plumes sa pagitan ng 6:54 A.M. Hanggang 7:40 A.M., at umabot ang taas nito sa isandaang metro mula sa bunganga ng bulkan.



