BALIK na sa normal ang klase sa mga paaralan sa Caloocan City.
Ito ay matapos ang Class Suspension na ipinatupad kahapon makaraang makatanggap ng sunud-sunod na Bomb Threat ang mga paaralan sa lungsod, maging ang City Hall.
ALSO READ:
Ayon kay Caloocan City Mayor along malapitan, idineklara ng Caloocan City Police Station na “Cleared” ang lahat ng mga lugar na nabanggit sa Bomb Threat.
Inatasan din ng alkalde ang pulisya na muling galugarin ang mga lugar na ito at paigtingin ang Police Visibility lalo na sa mga paaralan.
Patuloy din ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang mga nasa likod ng panggugulo sa lungsod.




