NAKABAWI ang Remittances na ipinadala ng Overseas Filipinos noong Setyembre matapos bumaba noong Agosto, batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umabot sa 3.121 billion dollars ang Cash Remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga banko o formal channels noong ika-siyam na buwan.
ALSO READ:
Mas mataas ito ng 3.7% kumpara sa 3.009 billion dollars na naitala noong September 2024, at sa 2.977 billion dollars noong Agosto.
Dahil dito, umakyat na sa 26.030 billion dollars ang Cash Remittances simula Enero hanggang Setyembre na mas mataas ng 3.2% mula sa 25.226 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.




