APEKTADO na rin ng red tide ang Cancabato Bay sa Tacloban City.
Bunsod nito, umakyat na sa labing isa ang katubigang apektado ng red tide sa Eastern Visayas.
Batay sa latest bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) central office, mula sa 11 bays, limang lugar ang opisyal nang kabilang sa shellfish ban.
Bukod sa Cancabato Bay, kabilang sa iba pang coastal waters na ipinatutupad ang shellfish ban dahil sa red tide ay mga bayan ng Daram; Zumarraga; Cambatutay Bay sa Tarangnan na pawang matatagpuan sa Samar Province.
Kasama rin ang Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, sa Eastern Samar.
Bukod sa naturang bays, nakataas din ang local red tide warning sa anim pang mga lugar, gaya ng Villareal Island; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, at Coastal Waters ng Calbayog City na pawang mula sa Samar; Carigara Bay sa Leyte; at Coastal Waters ng Biliran Island.