SINIMULAN na ng pamahalaan ang pagbebenta ng 29 pesos na kada kilo ng bigas sa Kadiwa Center, sa ilang National Irrigation Administration offices.
Sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen, na maari nang makabili ng mas murang bigas ang mga senior citizen at mga miyembro ng 4Ps at pagkatapos ng launching nito sa susunod na linggo ay mabibili na rin ang 29 pesos per kilo na bigas sa mga Kadiwa Centers.
Inihayag ni Guillen na nakikipag-partner ang gobyerno sa irrigators association, pati na sa paggamit ng 1.3 million hectares ng NIA para sa sustainability ng proyekto.
Ipinagmalaki ng NIA Chief na bagong ani ang mga mabibiling bigas sa NIA at masarap na klase.
Una nang inihayag ng Department of Agriculture na ang pagbebenta ng 29 pesos per kilo na bigas ang nakikitang long-term program hanggang sa pagtatapos ng Marcos Administration.