NAKA-full swing na ang implementasyon ng P118.75 million na halaga ng anti-poverty projects para sa agriculture sector sa Eastern Visayas, na pinakikinabangan ng isandaan dalawampu’t limang farmers’ association.
Sa kalagitnaan ng 2024, sinabi ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Regional Program Management Support Office, na mula sa P118.75 million na alokasyon ngayong taon, kabuuang 88.7 million pesos na ang obligated na sa unang kalahati ng taon.
34.4 percent ng obligated outlay o P30 million ang naipamahagi na.
Ayon sa DA Regional Office, pang-lima ang Eastern Visayas sa overall performance sa mid-year review.
Ngayong 2024, tinukoy ng SAAD Eastern Visayas na sumasaklaw sa animnapung bayan mula sa mga lalawigan ng Biliran, Leyte, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar, at Northern Samar, ang iba’t ibang livelihood packages na may kaugnayan sa mais, high-value crops, livestock at poultry.