TINAYA ng bagong talagang hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kabuuang koleksyon ng ahensya sa 3.1 trillion pesos ngayong 2025.
Sinabi ni BIR Chief Charlito Martin Mendoza na sa pamamagitan ng efficient at fair revenue collection, mayroon na lamang anim hanggang pitong Linggo ang ahensya para maisakatuparan ang kanyang mandato na i-maximize ang koleksyon, sa gitna ng isyu ng katiwalian na nagpahina na revenues.
Philippine coconut at iba pang agri products, exempted sa 19% tariff ng Trump Administration
Cash Remittances, nakabawi sa 3.121 billion dollars noong Setyembre
Inaprubahang Investment Pledges, bumagsak ng 49% sa ika-3 quarter
Serbisyo at reporma ni Lumagui sa BIR, pinasalamatan ni Finance Sec. Ralph Recto
Aniya, urgent at non-negotiable ang kanyang kautusan sa revenue district officers at regional directors, na palakasin ang kanilang koleksyon sa mga natitirang Linggo ng taon.
Una nang kinumpirma ni Executive Secretary at Dating Finance Secretary Ralph Recto na posibleng hindi maabot ng BIR at ng Bureau of Customs ang kanilang revenue targets ngayong taon.
