LUMOBO sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Oktubre, batay sa resulta ng pinakabagong labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press briefing, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na umakyat sa 2.54 million ang unemployed persons na kinse anyos pataas, mula sa 1.96 million noong Sept. 2025.
Mas mataas din ito kumpara sa 1.97 million unemployed individuals na naitala noong Oct. 2024.
Gayunman, tumaas ang bilang ng employed persons, sa 48.62 million noong Oktubre mula sa 48.16 million na nai-record sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.




