INANUNSYO ng Samar Provincial Hospital (SPH) sa Catbalogan City na kasalukuyan silang nag-o-operate nang lagpas sa kanilang kapasidad.
Dahil ito sa paglobo ng bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal.
‘Sakay Na’ Program, pinalawak ng Calbayog City LGU; sasakyan, itinurnover sa Tarabucan National High School
Pagtatapos ng Elderly Filipino Week sa Calbayog City, dinaluhan ng mga lokal na opisyal
DEPDev Region 8, nanawagan ng aksyon para ma-improve ang SDG Performance
DSWD Eastern Visayas, nag-deploy ng Mobile Kitchen sa Cebu
Batay sa Advisory, sinabi ng SPH na Fully Occupied na ang kanilang 100 Regular Beds, na may kabuuang 275 na pasyente na kasalukuyang ginagamot.
Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital sa publiko na ginagawa ng mga doktor, nurses, at iba pang Healthcare workers ang kanilang makakaya upang maibigay ang nararapat na pag-aalaga sa lahat ng mga pasyente, sa kabila ng pagsisiksikan sa masikip at limitadong espasyo.
Hinimok din ng SPH ang mga residente na maagang magpakonsulta sa pamamagitan ng Outpatient Department (OPD) bago lumala ang kanilang kondisyon, upang maiwasan ang pasisiksikan sa pasilidad.