ISINIWALAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 421 mula sa 8,000 Flood Control Projects sa buong bansa na naunang ininspeksyon ay natuklasang “Ghosts.”
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang Inspections ay isinagawa ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), PNP at AFP sa mga nakalipas na linggo.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Dizon na naipabatid na nila sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang Initial Findings, as of Oct. 6.
Inihayag ng kalihim na ang mga nadiskubreng Ghost Project ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao, subalit karamihan dito ay nasa Luzon.
Idinagdag ni Dizon na ilan sa mga proyekto ay kinontrata ng kaparehong Government contractors na pinangalanan sa maanomalyang Flood Control Projects.
