PORMAL ng itinurnover ng Calbayog City Government ang isang Dedicated Vehicle sa Tarabucan National High School sa ilalim ng “Sakay Na” Program.
Bahagi ito ng hakbang ng Lokal na Pamahalaan para isulong ang Inclusive Education at Learner Mobility.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Ang Turnover Ceremony ay pinangunahan nina City Councilors Rhena Tafalla, Rosena Sumagang at Enrico Pasacas, kasama si Ms. Gina Morena, LGU Focal Person on Education.
Ang “Sakay Na” Program ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, ay nagbibigay ng libreng transportasyon sa mga estudyante.
Isa lamang ang Tarabucan National High School sa humahabang listahan ng mga benepisyaryo, na nagpapalakas sa mithiin ng Calbayog na maabot ang bawat mag-aaral, saan man sila naroroon.
